Maliliit na bato sa Sea Wall Project sa Brookes Point, kinuwestiyon ng Sangguniang Bayan

Kinuwestyon ng Sanggunian bayan ang Sea Wall project sa aplaya ng Sitio Balacan Brooke’s Point dahil sa mga maliliit na batong inilagay na hindi umano angkop sa kontrata.

Nitong Martes, ay pinagpaliwanag sa sesyon ang Engineering Office tungkol sa proyekto na nagsimula noong nakalipas na buwan at matatapos sa buwan ng hulyo ngayong taon, naroon din ang kinatawan ng Hardshell Design and construction.

Sa paliwanag ng Engineering Office, “misdelivered” umano ang mga maliit na bato at hindi umano nila na-monitor na ito pala ang ibinuhos sa ginagawang Shoreline Protection na may pundong Php9.6 Million, ganon din ang ipinaliwanag ng kinatawan ng kontraktor.

Kaugnay nito , hindi naman kumbinsido o hindi naniniwala ang bise alkalde at maging ang mga lokal na mambabatas sa di umano’y “misdelivered” ang naturang mga bato dahil halos kabuohan ng proyekto ay maliit na bato ang inilagay

Napuna ng Sanggunian na kapag hinampas umano ng malaking alon ay agad itong masisira.

Samantala, nangako naman ang Hardshell Design and contraction na agad umano nilang ipu-pull out ang mga bato at papalitan ng malalaki na angkop sa kontrata ng Lokal na Pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *