Maluwag na COVID-19 restriction, dahilan kung bakit tumaas sa 5% ang turismo sa Bicol ayon sa DOT

BNFM BICOL—Inihayag ni Department of Tourism o DOT-Bicol Regional Executive Assistant – Seigfred Nebres na ang pagluluwag sa mga ipinatutupad na COVID-19 restrictions sa rehiyon, ang naging dahilan kung bakit bahagyang tumaas sa 5% ang turismo sa Bicol.

Ginawa ng opisyal ang pahayag kasabay ng ibinigay nitong kumpirmasyon na kahit papaano ay naibalik na ang sigla ng turismo sa Bicol matapos ang mahigit dalawang taong pagkakadapa nito dahil sa epekto ng pandemya.

Sa anim na mga probinsya sa rehiyon, ang lalawigan umano ng Masbate at Catanduanes ang nakabawi-bawi na pagdating sa sektor ng turismo dahil na rin sa mas maluwag na COVID restrictions na umiiral sa mga ito.

Samantala, binigyang diin naman ni DOT Bicol Tourism Development & Regulations Division Chief – Rommel Natanauan, na nagpapatuloy ngayon ang pagsusumikap ng ahensya sa pagsasagawa ng mga programang panturismo para mas lalong mapausbong ang tourism industry sa rehiyon.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *