Mamahalin at kakaibang kape mula sa Thailand, gawa sa dumi ng elepante

KAKAIBA at isa sa pinaka-mahal na kape sa Thailand ang gawa mula sa dumi ng elepante, tinatawag itong Black Ivory Coffee na nagkakahalaga lang namang $ 1,100 per kilo.

Sinasabi na pawang ang mga mayayamang tao lamang sa Thailand ang may karapatang makatikim ng ganitong klaseng kape.

Ang kape kasing ito ay sumasailamin pa sa napakaraming proseso matapos ang pag-ani ng mga beans ito ay  ipapakain sa mga elepante; mula sa pagpakain hihintayin naman itong dumumi; bawat bagsak ng dumi nito ay mahalagang makolekta dahil naroon ang mga beans.

Ayon naman sa founder ng Black Ivory Coffee na si Blake Dinkin,  ang kakaiba at masarap na flavor na magmumula sa kanilang kape ay dulot ng   stomach acid ng elepante  kaya garantisadong sulit ang bawat higop dito.###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *