Hinimok ni ACT Teachers Party List Rep. France Castro si Senador Sonny Angara na resolbahin ang nararanasang education crisis.
Ito ay matapos i-appoint ni Pangulong Bongbong Marcos si Angara para pumalit kay VP Sara Duterte sa pagiging education secretary.
Giit ni Castro, dapat harapin ng new secretary ang problema sa K-12, at dapat din nitong unahin ang pagpapabuti sa sahod at benepisyo ng mga teachers, at ng iba pang education support personnel.
Maliban sa mga ito, kailangan din umanong i-utilize ng senador ang mga nalalaman nito mula sa EDCOM 2 upang makapagpatupad ng mga reporma para sa education system.
Sa huli, tiniyak ni Castro na handa silang makipagtrabaho sa bagong DepEd leadership para sa interes ng mga mag-aaral, guro, at buong education sector.