Mambabatas, hinimok si incoming DepEd Sec. Senator Angara na mag-‘double time’ sa kanyang haharaping trabaho

Winelcome ni ACT Teachers’ party-list Rep. France Castro ang pag-appoint ni Pangulong Bongbong Marcos kay Sen. Sonny Angara para maging susunod na kalihim ng Department of Education.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila sa House Deputy Minority Leader , sinabi nitong inaasahan nila ang mga hakbang na isusulong ni Angara para sa education sector, partikular na sa mga guro.

Hinamon din ni Castro ang senador na tugunan ang mga kakulangan sa sektor ng edukasyon gaya na lamang ng kakulangan sa teachers at classrooms.

Marami aniya itong tatrabahuhin, at kailangan na nitong mag-double time.

Sa huli, umaasa umano ang kongresista na hindi mag-a-apppoint si Angara ng mga opisyal mula sa militar para sa kanyang kagawaran – bagay na nangyari na raw noon sa ilalim ng dating kalihim ng DepEd.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *