Mambabatas, hinimok si Marcos na pumili ng DSWD chief na walang political plans

Hinimok ni House Minority Leader at 4Ps Party-list Rep. Marcelino Libanan si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pumili ng DSWD secretary na walang plano na tumakbo sa elective position.

Ayon kay Libanan, isang “apolitical” secretary o agency chief ang kailangan ng naturang ahensya, at may awa para sa mga mahihirap at marginalized.

Binigyang diin nito na ang malawakang pagbaha kamakailan sa Eastern Visayas at iba pang bahagi ng bansa at nagtaksil sa pangangailan para sa mas mabilis kumilos na DSWD.

Samantala, sinabi ng mambabatas na sa 2023 General Appropriations Act (GAA) ang DSWD ay may budget na P4.12 billion para sa Disaster Response and Management, kabilang na ang P1.75 billion para sa Quick Response Fund (QRF). Sa ngayon, bakante ang pwesto ng DSWD secretary matapos na ibypass ng bicameral Commission on Appointments (CA) ang appointment ni Erwin Tulfo dahil sa libel at citizenship issues nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *