Mambabatas, ibinunyag na hindi na-inform kaugnay sa ‘re-engineered’ Maharlika bill

Inihayag ni Senior Deputy Minority Leader Paul Daza, na bomoto pabor sa Maharlika Investment Fund (MIF) bill sa House of Representatives, na hindi siya naabisuhan na nirebisa pala ang naturang panukala.

Sa katunayan, sinabi ni Daza na nasurpresa umano siya nang malaman ang naturang development.

Una nang ibinunyag ni Albay Rep. Joey Salceda, na bahagi ng four-man panel na nagrebisa sa panukalang batas, na ang “re-engineered” version ng MIF bill ay magtatanggal sa dividends mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas bilang capital source.

Sa halip, popondohan ito ng mga surpluses mula sa mga government-owned and controlled corporations bago mailista o mapabilang sa Philippine Stock Exchange at bago makapagsagawa ng initial public offering.

Sa gitna nito, kinuwstiyon ng ilang mga House members ang naturang revision, ang dahil ang proposed measure ay naaprubahan na umano sa Mababang Kapulungan.

Para naman kay Daza, “unusual” ang naturang hakbang dahil ang MIF bill ay dapat nasa Senado na para sa deliberasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *