Mambabatas, iminungkahing ilipat ang kalahati ng mga NAIA flights sa Clark sa 2025

Iminungkahi ni House Minority Leader Marcelino Libanan na ilipat ang 50 percent ng lahat ng mga flights sa loob at labas ng congested na Ninoy Aquino International Airport (NAIA) papunta sa Clark International Airport (CIA) sa Mabalacat, Pampanga sa 2025.

Paliwanag ni Libanan, na sa ganitong paraan, kalahati lang din umano sa lahat ng mga flights ang makakansela, mada-divert o maantala sakaling may biglaang emergency sa alinmang gateway.

Bagama’t walang binanggit ang naturang mambabatas, tila pinatutungkulan nito ang nangyaring krisis noong araw ng Bagong Taon, nang magkaroon ng power outage sa Communications, Navigation and Surveillance Systems for Air Traffic Management (CNS/ATM) sa NAIA na nagresulta sa pagkakansela sa mahigit 400 international at domestic flights.

Kaya naman imungkahi ni Libanan na sa 2025 pa ito gawin bilang, ito umano ang projected year para sa full recovery ng global air travel mula sa Covid-19 pandemic.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *