Mambabatas, isinusulong ang pagsasama ng electric motorcycle sa bagong EO na nagpapataw ng zero % import tariff sa e-motorcycles

Isinusulong ng isang mambabatas ang pagsasama sa electric motorcycles sa bagong Executive Order No. 12 na nagpapataw ng zero percent tariff sa electric vehicles.

Nais ni House Deputy Speaker at labor leader Raymond Mendoza na magkaroon ng tax cuts kasabay ng pagbibigay ng papuri kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pag-issyu ng EO12 na naglalayong mapalakas ang pagiging epektibo ng gov’t laws upang i-decarbonize at mabawasan ang  greenhouse gas emissions sa bansa.

Sinabi pa ni Mendoza na siya rin presidente ng Trade Union Congress of the Philippines, na ang hakbang ay magpapalakas sa electric vehicle industry sa bansa.

Bago ang paglagda sa EO, ang electrically propelled vehicles ay pinapatawan ng import duties na mula 5 hanggang 30 percent. Sa ilalim ng EO12, ang import duties na ito ay ginawang zero percent, na maghihinto rito sa susunod na limang taon.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *