Mambabatas mula sa Sorsogon, nanawagan sa gobyerno na palawigin ang termino ng pagbabayad sa modernong jeep, gawin umano itong ‘katanggap-tangap’

Hinimok ang gobyerno ng Sorsoganon at AGRI-Partylist Representative Wilbert Lee na e-extend ang payment term sa modernong jeepney at gawin itong katanggap-tanggap.

Ang apela ay ginawa ni Lee sa isang public briefing ng House Committee on Transportation matapos ang ikinasang national transport strike ng jeepney drivers at operators noong Lunes, Marso 6.

Ayon sa mambabatas, nararapat na tugunan ng gobyerno ang mataas at hindi kayang halaga ng modernong jeepney na nagkakahalaga ng P1.6-2.4M habang ang mga driver o operators ay kumikita lamang ng humigit-kumulang P600 hanggang P750 kada araw.

Sinabi pa nito na dapat ang gobyerno ay magbigay ng katanggap-tanggap na pamamaraan sa pagbabayad, na dapat ay makatarungan, patas at makatao at dapat payagan na makabayad sa modernong jeeney ang mga driver at operators sa loob ng 10 hanggang 15 taon sa halip na 7 taon o ang gobyerno ay makapagbigay ng mas mataas at sapat na subsidy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *