Mambabatas nanawagan kay PBBM na ipa-recall ang ambassador ng bansa sa Beijing bilang protesta sa near-collission incident sa WPS

Nanawagan si Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez kay Pangulong Bongbong Marcos na ipa-recall ang PH ambassador to China, na si Jaime Flor Cruz bilang pagpapakita ng protesta sa near-collision sa pagitan ng Philippine Coast Guard (PCG) patrol at isang Chinese Coast Guard (CCG) vessel.

Ayon kay Rodriguez, hindi dapat bumalik ng Beijing ang ambassador hangga’t hindi humihingi ng paumanhin ang China sa kanilang pambu-bully sa West Philippine Sea.

Binanggit ng mambabatas, na naghain ang Pilipinas ng daan-daang protesta laban sa Beijing dahil sa aggressive at bullying activities nito ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakakuha ang bansa ng malinaw na sagot sa China.

Samantala, pinuri naman ni Rodriguez ang clear commitment ng US bilang tugon sa near-collision incident sa Ayungin shoal.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *