Hinimok ng isang mambabatas ang mga otoridad at educational institutions na mahigpit na ipatupad ang Anti-Hazing Act of 2018 kasunod ng mga ulat na may nasawi na isang estudyante mula sa Adamson University dahil sa hazing.
Ayon kay House Deputy Minority Leader at Bagong Henerasyon Party-list Rep. Bernadette Herrera-Dy, na maganda naman ang batas pero ang problema lang ay ang pagpapatupad nito.
Si Dy ay co-author ng anti-hazing law na nag-aamyenda sa Republic Act 8049, ang hakbang na nagbabawal sa hazing at iba pang uri ng initiation rites sa mga fraternities, sororities at iba pang organisasyon.
Para mapigilan ang iba pang kaso ng hazing-related death, hinimok ni Dy ang Commission on Higher Education (CHED) na paalalahanan ang mga opisyal ng educational institutions ng kanilang mga responsibilidad sa pagmonitor sa mga student organizations. Sinabi rin nito na dapat i-train ng ng Department of the Interior and Local Government ang mga barangay officials upang mas maging aware sila sa kanilang trabaho sa ilalim ng anti-hazing law.