Mambabatas, nanawagan para sa pagbuwag sa MMDA dahil LGU jurisdiction

Nanawagan ang isang mambabatas na buwagin ang Metro Manila Development Authority (MMDA), at sinabing wala umanong kapangyarihan ang MMDA na ipatupad ang mga polisiya sa mga local government units (LGUs).

Ayon kay Manila Representative Joel Chua, dapat maabolish ang MMDA dahil pumapasok ito sa hurisdiksyon ng mga local government units at ng mga ahensya ng gobyerno sa pamamagitan ng pagsasagawa ng home demolitions, clearing roads at sidewalks, maging sa pag-manage at pagpapatupad sa mga traffic rules nang hindi nakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan.

Dagdag ni Chua, na ang naturang operasyon ng MMDA ay lumalabag sa Local Government Code o duplication sa papel ng iba pang mga ahensya ng gobyerno.

Paliwanag pa nito, na makailang beses nang pinagtibay ng Korte Suprema na ang MMDA ay walang kapangyarihang pang-lehislatura, walang police power, at lalong walang kapangyarihang saklawan ang poder ng mga alkalde at barangay kapitan sa NCR dahil mas matimbang ang mga probisyon ng Saligang Batas tungkol sa mga pamahalaang lokal at mga probisyon sa ilalim ng Local Government Code of 1991.

Giit pa ng mambabatas, na malinaw sa Republic Act 7924, ang batayang batas ng MMDA, na koordinasyon lamang ang papel ng MMDA at nagmumula ang tunay na kapangyarihan ng MMDA sa Metro Manila Council na binubuo ng mga halal na mga alkalde mula sa mga LGU sa NCR.

One thought on “Mambabatas, nanawagan para sa pagbuwag sa MMDA dahil LGU jurisdiction

  1. Bobo eh lalong lumaganap Ang mga pasaway ksi madalas naeelect eh sa LGU walang qualifications or ARAL Kya madalas kunsintidor pweeee ksi botante nla at WALANG nagagawa ksi nga barangay official may palusot at pasaway tulad ng Videoke sa kalye inuman sa tent ng pulitikong Gago at mga jologs na sidewalks invaders arbp bwesittt…Under ra 7160 Tama may local autonomy subalit it should be aligned with the national government the source of all power bestowed

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *