Mambabatas, pinamamadali ang pagtalakay sa pagsasagawa ng Joint maritime patrols sa WPS

Nanawagan si National Unity Party president at Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte na mapabilis ang pagtalakay sa pagitan ng Pilipinas at mga kaalyado nito sa pagsasagawa ng joint maritime patrols sa pinag-aagawang isla sa West Philippine Sea.

Binanggit ni Villafuerte ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA) sa The Hague, Netherlands, na nagpapatibay sa soberanya ng Pilipinas sa WPS at nagpawalang-bisa sa nine-dash line claim ng China sa halos buong South China Sea.

Umaasa rin si Villafuerte na agad matatapos ang pag-uusap ng Pilipinas at Australia sa pagsasagawa ng joint patrols at iba pang mga kaalyadong bansa.

Matatandaang, sinabi ni Australian Deputy Prime Minister at Minister for Defense Richard Marles na ang PH-Australia joint patrols ay pinag-uusapan na.

Bukod sa PCG, nakikipag-usap ang Department of National Defense sa mga kaalyado ng Pilipinas para sa pagsasagawa ng military joint maritime patrols.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *