Mambabatas, pinaso-solusyunan ang kakulangan sa mga personnel ng PAGASA

Umapela ang isang Kongresista sa Gobyerno na masolusyunan na ang kakulangan ng mga tao sa PAGASA.

Sa gitna kasi ng tuluy-tuloy na sakunang tumatama sa Pilipinas – aminado ang weather bureau na ‘short-staffed’ na sila.

Anila, nasa 300 pang mga personnel at posisyon ang kailangan nilang punan.

Sa isang pahayag, sinabi ni Ang Probinsyano party-list Rep. Alfred delos Santos na mas makabubuti kung hikayatin na mismo ng Gobyerno ang mga magsisipagtapos ng high school na kumuha ng kursong Meteorology.

Nakapagtataka raw kasi na mayorya naman ng mga guma-graduate ng STEM, ‘o ‘yung science, technology, engineering, and mathematics, ay nais maging mga doktor, engineer, at iba pa – pero mababa ang mga kumukha ng Meteorology course.

Mataas din daw ang demand ng mga meteorologists, ‘di lamang sa Gobyerno, kundi sa private sector at abroad.

Sa ngayon, ikonokonsiderana rin daw ni delos Santos na amghain ng panukalang magbibigay ng incentive sa mga magte-take ng mga Meteorology-related courses.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *