Mambabatas, pumabor sa pagbalik ni Arsenio Balisacan sa NEDA

Wi-nelcome ni House Ways and Means Committee chairperson Albay Rep. Joey Salceda ang ginawang appointment ni presumptive president Bongbong Marcos kay Arsenio Balisacan sa National Economic and Development Authority.

Ayon kay Salceda, subok na ang trabaho ni Balisacan kaya naman kupyansa itong makapaglilinkod ito nang maayos sa oras na umupo na sa Gabinete ni Marcos.

Ayon sa mambabatas, tiwala siyang matututukan ni Balisacan ang isyu ng inflation, pati na rin ang iba pang mga dapat pang sikaping baguhin.

Umaasa aniya siyang makakatrabaho niya ang incoming NEDA chief pagdating sa pagbabalangkas ng mga batas pagdating sa business sector; fair pricing and market competition; agriculture and food security; at iba pa.

Mababatid na kahapon, kinumpirma ni Atty. Vic Rodriguez na tinanggap na ni Balisacan ang alok ni Marcos na bumalik ito sa NEDA.

Si Balisacan ay dati na ring socioeconomic planning secretary sa ilalim nag administrasyon ni dating pangulong Noynoy Aquino.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *