Mambabatas, umapela sa publiko na labanan ang historical revisionism

Kasabay ng paggunita ng ika-50 anibersaryo ng Martial Law declaration ngayong araw – nanawagan si Albay 1st District Rep. Edcel lagman sa publiko na huwag kalilimutan ang mga ‘atrocities’ na ginawa sa ilalim ng rehimen ni dating pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Sa kanyang privilege speech sa Kamara, ipinunto ni Lagman na hindi dapat burahin sa kasaysayan ang mga hirap na dinanas ng mga Martial Law victims.

Ikinabahala rin ng mambabatas ang sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa isang TV show na hindi umano diktator ang kanyang ama.

Ayon kay Lagman, bagamat karapatan ni Marcos Jr. na magpahayag ng sarili niyang opninyon – hindi ito nangangahulugang maaari niyang sabihin ang sarili niyang bersyon ng reyalidad.

Hinikayat ng mambabatas ang publiko na labanan ang mga tangkang baguhin ang kasaysayan, pati na rin sa mga literatura’t sining kagaya na lamang ng mga pelikula.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *