Mambabatas, umapelang suportahan ang BBM Law

Umapela si Quezon City 5th district Rep. Alfred Vargas sa mga kapwa nito mambabatas na suportahan ang BBM Bill.

Mababatid na isa sa mga ipinapanukala ni Romualdez, isa sa mga napipisil na susunod na House Speaker, ay ang pagababago ng pangalan ng stimulus program ng gobyerno na Bayanihan Law para gawing BBM Law o ‘Bayan Bangon Muli’ – panukala kung saan ay naka-pattern sa campaign tagline at initials ni presumptive president Bongbong Marcos.

Sa ilalim ng resolusyon ni Vargas, sinasabing ang pagsuporta sa panukalang ito ay para na ring pagpapahiwatig ng ‘genuine’ na pagkakaisa para sa pandemic response ng gobyerno.

Bilang chairperson ng House Committee on Social Services, sinabi ng mambabatas na kinakailangan pa ring magpatuloy ang pagbibigay ayuda at expanded social protection sa mga vulnerable sectors.

Hinikayat din ng graduating lawmaker ang susunod na Kongreso na tiyaking magkakaroon ng pondo ang BBM bill para masiguro ang tulong sa mga Pilipinong apektado ng pandemya ng COVID-19.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *