Management ni Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, dumepensa sa mga isyu

Dinepensahan ng Aguila Entertainment ang mga espekulasyong lilipat na ng ibang network ang artista nilang si Jennylyn Mercado.

Saad kasi ng management ni Jennylyn, walang katotohanan sa mga kumakalat na tsismis na ito dahil nananatiling “loyal” ang artista sa kanyang mother network na GMA simula pa noon.

Kasunod lang ng pahayag ng ito nang ma-hack ang TikTok account ng asawa ni Jennylyn na si Dennis Trillo.

Nang tanungin kasi ang aktor kung totoo ba ang paglipat ni Jennylyn sa ABS-CBN, saad nitong “May ABS pa ba?”

Ngunit paglilinaw ng management ay hindi ito si Dennis dahil kilala itong “humble and respectful.”

Hindi rin aniya ito magagawa ni Dennis, lalo na’t may mga kaibigan din siya sa kabilang network.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *