Mandatory na pagturok ng COVID-19 vaccine,’very debatable’ – FDA

Very debatable umano ang mungkahing gawing mandatory ang pagpapabakuna laban sa COVID-19 sa bansa.

Ito ang sinabi ni Food and Drug Administration (FDA) chief Eric Domingo matapos na maghain ng panukalang batas si Cavite 4th District Rep. Elpidio Barzaga na layong gawing mandatory ang COVID-19 vaccination para makamit natin ang herd immunnity.

Ayon kay Domingo, ”personal autonomy” ng isang tao na magpabakuna at dapat ay ibinibigay lamang ang mga bakuna kapag may consent ng recipient.

Gayunman, binigyang diin ni Domingo na ang mga COVID-19 vaccines na itinuturok sa mga Pilipino sa ngayon ay sa pamamagitan ng emergency use authorization (EUA).

Ibig sabihin, di pa fully developed ang mga bakuna at posibleng mayroon pa itong mga side effects na di pa natin alam.

Mababatid na target ng Pilipinas na mabakunahan ang nasa 50 hanggang 70 milyong mga Pilipino sa katapusan ng taon para makamit ang herd immunity. Sa ngayon, nakapagturok na ang bansa ng 1,739,656 COVID-19 vaccines.

Una nang sinabi ng Malacanang na bagaman may otoridad ang estado na i-require ang mga tao na magpabakuna laban sa COVID-19, di pa kailangang gawing mandatory ang vaccination dahil mababa pa ang suplay ng bakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *