Mandatory training dapat pagdaanan ng mga nanalong SK official bago makaupo sa pwesto- DILG

CAMARINES NORTE – Hindi makakaupo sa pwesto ang mga nanalong Sangguniang Kabataan Official nang hindi dumadaan sa mandatory training.

Ito ang binigyang diin ni Provincial Director Melody Relucio ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa naging panayam ng Brigada News FM Daet.

Ayon kay Relucio mayroong nang nilikhang municipal training team sa bawat munisipyo.

Alinsunod rin sa guidelines hindi maaaring mag- participate ang SK official sa Liga elections kapag hindi dumaan sa mandatory training. Dapat gawin ang mandatory training sa SK officials bago o hindi lalagpas ng November 14.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *