Mangingisda mula sa Mercedes, Camarines Norte na pumalaot bago pa ang pananalasa ng bagyong Paeng, ligtas at nasa kustodiya ngayon ng PCG Tabaco

CAMARINES NORTE- Ligtas at nasa kustodiya ngayon ng Philippine Coast Guard sa Tabaco City ang isang mangingisda mula sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte na unang napaulat na hindi pa nakakauwi sa kanilang tahanan makaraang pumalaot bago pa ang pananalasa ng bagyong Paeng sa Bicol Region.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Daet via messenger ni Chief Petty Officer Mario Allan Rosales, Public Information Officer ng Coast Guard Camarines Norte Lunes ng hapon, Oktubre 31.

Hinila umano ng bangka na taga Tabacco ang bangkang sinasakyan ng mangingisdang si  Josepther Montañez, residente ng Barangay Manguisoc, Mercedes at personal itong nag report sa tanggapan ng Coast Guard sa nabanggit na lugar.

Pero bago napunta sa Tabaco ay una umano itong napadpad sa Pandan, Catanduanes.

Batay sa spot report ng Camarines Norte Coast Guard Station, hapon ng Sabado, October 29 nang ireport sa kanilang opisina ang pangyayari ng isang nagngangalang Lenlen Rosco 33, kasama ang may ari ng bangka na si Arnel Era 56.

Ayon sa kanila, pumalaot si Montañez umaga ng Oktubre 19 at hindi na nakauwi hanggang dumating ang bagyong Paeng.

Dakong alas 4: 42 ng hapon noong Oktubre 23, nakatanggap umano ng tawag sa cellphone si Rosco mula sa sub- station commander ng PCG Pandan, Catanduanes kung saan personal umanong nag- appear sa kanilang opisina si Montañez.

Nagka aberya umano ang makina ng sinasakyan nitong bangka malapit sa shoreline ng Catanduanes at hinila na lamang ito sa dalampasigan ng isang bangka sa lugar para ipaayos.

Pagkatapos na ma- repair ang bangka ay inabisuhan umano ng PCG si Montañes na may paparating na bagyo  kaya pinauuwi ito agad sa Camarines Norte.

Madaling araw ng Oktubre 24, umalis ito sa Pandan at nagpaalam na magpapatuloy siya sa pagpalaot sa vicinity waters ng naturang lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *