Mangingisda, nagbaril sa sarili

Isang 47-anyos na mangingisda ang iniulat na nagbaril sa sarili at nasawi sa Brgy Nazareno, San Pascual, Masbate.

Kinilala ng Pulisya ang nagpatiwakal na si Mario Sario Corporal, binata at naninirahan sa nasabing barangay.

Ang mga labi ng biktima ay nadiskubre ng kanyang pinsan na kapitbahay lang nito.

Ang biktima ay nagtamo ng tama ng bala sa kanang bahagi ng kanyang ulo.

Narekober sa kuwarto ng biktima ang isang S&W revolver, isang bala at isang basyo ng bala, isang itim na holster at keypad cellular phone nito,

Ayon sa pamilya, ang biktima umano ay dumaranas ng mental depression.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *