Mangingisda nalunod sa lawa patuloy na pinaghahanap!

KORONADAL CITY-PATULOY na pinaghahanap ng mga otoridad ang isang mangingisda sa bayan ng Lake Sebu, South Cotabato matapos na malunod sa lawa.

Kinilala ang biktima na si Charlie Unak Abid nasa legal na edad , isang mangingisda at residente ng Sitio Lemnabul, Barangay Poblacion ng nasabing bayan.

Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay Roberto Bagong, Municipal Disaster Risk Reduction Management Officer ng bayan, possible umanong inatake sa puso ang biktima habang nangingisda sa lawa.

Dagdag pa ni Bagong na naka-inom umano ang nasabing biktima bago ito mangisda.

Sa ngayon kasama ng MDRRMO-Lake Sebu ang Philippine Coast Guard sa paghahanap sa nasabing biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *