Mangingisda, natagpuang palutang-lutang sa ilog ng Nasugbu, Batangas

Wala nang buhay nang matagpuan ang katawan ng isang mangingisda sa ilog sa Barangay Wawa, Nasugbu, Batangas nitong Lunes.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si alyas Raymundo, 52 anyos at resident ng naturang lugar.

Batay sa report, iniwan ng biktima ang kaniyang mga kaibigan pagkatapos ng inuman para puntahan ang bangka nito at kunin ang mga gamit ngunit hindi na ito nakabalik pa at natagpuan na lamang na palutang-lutang na sa ilog.

Samantala, kumbinsido naman ang kaanak ng biktima na nalunod nga ito kaya’t tumanggi na rin silang ipasailalim pa sa awtopsiya ang mga labi nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *