Mangingisda tinamaan ng kidlat, patay

LIAN – Patay nga ang isang mangingisada habang sugatan naman at kasalukuyang nagpapagaling ang isang kasamahan nito matapos na tamaan ng kidlat sa Barangay Matabungkay Lian, Batangas pasado alas-11 ng umaga noong huwebes, September 16, 2021.

Kinilala ang nasawi na si Nick Tumbaga y Bernardo, 33 anyos habang nakilala naman ang nakaligtas na si Roel Tumbaga y Javier, 34 anyos at pawang residente ng barangay Balibago, sa nasabing bayan.

Ayon sa imbestigasyon ng Lian MPS, habang nangingisda ang dalawang biktima sa dagat na malapit sa So. Mountain Dew sa Matabungkay ng biglang tamaan ng kidlat.

Dead on the spot ang unang biktima habang dinala naman sa ospital ang ikalawang biktima na nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan.

Sa ngayon ay nananatili pa rin sa Metro Balayan Medical Center ang ikalawang biktima at kasalukuyang nagpapagaling.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *