Mangingisdang na lunod sa lawa sa Lake Sebu,SoCot. natagpuang patay!

KORONADAL CITY- WALA ng buhay ng matagpuan ang isang mangingisdang nalunod sa isang lake noong nakaraang araw sa Sitio Lemnabul, Poblacion, Lake Sebu, South Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Charlie Unak Abid, nasa legal na edad, may asawa at residente ng nasabing lugar.

Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay Rolly Doane Aquino, Provincial Disaster Risk Reduction Management Officer ng PDRRMO-South Cotabato, inihayag nitong mahigit 24 oras ang ginawang search and rescue operation bago lumutang at nakita ang nasabing bangkay ng mangisngisda.

Dagdag pa ni Aquino, nawala umano ang biktima alas-3 ng hapon noong nakaraang araw matapos na mangisda ito sa lawa at hindi na nakabalik kung saan tanging sombrero na lamang nito ang nakita sa kanyang palaisdaan.

Inihayag din umano ng pamilya ng biktima na wala silang tinitingnan foul play dahil naniniwala ang mga ito na baka inatake sa puso ang biktima habang nangingisda.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Lake Sebu, PNP hinggil sa nasabing insidente.

Napag-alaman na sa kasama ng PDRRMO sa ginawang search and rescue operation ang Philippine Coast Guard at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *