MAITUTURING na himala ang nangyari sa isang mangingisda na taga General Santos City matapos itong makaligtas sa bingit ng kamatayan.
Si Julius Talaid , 38 years old , Residente ng Ondok Gawan , Barangay San Jose Gensan nakaligtas matapos itong magpalutang-lutang sa karagatan ng pacific ocean sa loob ng limang araw.
Sa salaysay ni Talaid, Agosto 7, 2023 ng pumalaod ang kanilang barko o tintawag na mother boat galing sa Mati Davao at Agosto 14 ay dumating ang kanilang grupo sa kanilang fishing spot.
Doon na nangyari ang insidente ng umalis si Talaid sa mother boat at sumakay na ito sa isang tinatawag na pakura o maliit na bangkang demotor para makapangisda gayun din ang kaniyang mga kasamahan na nakasakay sa iba pang pakura.
Sa kaniyang pangingisda una itong nakabingwit ng bariles , at ang sumunod ay ang isdang sambagon kung saan ng kumagat na ito sa pain , ay saka naman kinain ng nakasunod sa kanya na isda na tinatawag na marang.
Kaya ang nangyari nag aagawan sila sa nasabing isda at dahil sa laki nito na humigit kumulang 300 kilos ay nakaladkad ang Bangka ni talahid at napunta sa malayong lugar at limang araw na trap sa gitna ng karagatan.
Sa pamamagitan ng tulong nga mga Indiano na sakya ng isang Singaporean Vessel patungong China , nailigtas ang nasabing mangingisda.
Setyembre 4, 2023 dumating sa Genan City International Airport si Talaib 4:30 ng hapon.
Ayon kay Michell Ursabia , Spokesperson g PCG-Southern Mindanao District na nasa 48 nautical miles ang layo ng Bangka ni Talaid galing sa Easter Board Shoreline sa Mindanao Island.