Pinaghahandaan na ng Tourism Office ang Mango Eat-All-You-Can na isa sa magiging highlights sa pinaka-aabangan na selebrasyon ng Dinamulag Festival 2023 sa Zambales.
Ito ay dalawang araw na mango buffet na gagawin sa Festival Grounds sa zone 5, iba sa darating na April 28 hanggang a-trenta.
Ayon sa Tourism Office, sa halagang 150 pesos at sa loob ng tatlumpong minuto ay mararanasan ng mga nais makilahok ang mabilisang pagkain ng kahit ilang piraso ng mangga.
Matatandaan na makalipas ang tatlong taon ay muling ipagdiriwang ang Dinamulag Festival.//Russell Banawa-BNFM IBA
