Umapela si MANIBELA National President Mar Valbuena na dapat daw ay magkaroon ng independent investigation hinggil sa mga anumalyang kinahaharap ngayon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ito ang naging tugon ni Valbuena sa ginawang suspension ni Pangulong Bongbong Marcos kay LTFRB Chair Teofilo Guadiz matapos ang alegasyong ‘di umano’y ‘lagayan’ sa tanggapan.
Sabi ni Valbuena, dapat daw ay mayroong independent body na sisiyasat sa expose para hindi mauwi sa moro-moro ang imbestigasyon.
Hanggat maari nga raw ay sa Kongreso ito imbestigahan.
Kung maaalala, matapos ang ibinunyag ng dating executive assistant ni Guadiz na umano’y katiwalian ay kaagad nag-anunsyo ang MANIBELA ng tigil-pasada na mag-uumpisa sa Lunes.