Manila Clock Tower, nanalo bilang Grand Winner sa 2023 AVP Museum Competition

Nasungkit ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang Grand Winner sa 2023 Audio/Visual Presentation (AVP) Museum Competition.

Ito’y dahil nanalo ang Manila Clock Tower (MCT) museum sa kompetisyon.

Sinundan naman ito ng Cagayan Museum and Historical Research Center bilang first runner-up; habang second runner-up naman ang Museo ng Makati.

Kung maaalala, itinayo ang MCT noong 1930 at dinesenyuhan ng isang Filipino neoclassical artist na si Antonio Toledo.

Mayroon itong limang palapag na ibinibida ang history ng Manila at binansagang largest clock tower ng Pilipinas dahil sa taas nitong malapit sa 100 feet.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *