Metro Manila Mayors nagkasundo sa mas maikling curfew hours

Napagkasunduan ng mga alkalde sa Metro Manila na iklian ang curfew hours mula alas 10 ng gabi hanggang alas 4 ng madaling araw simula May 1.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos, nasa kapangyarihan ng local government units ang pagpapatupad ng curfew hours pero nahkasundo ang mga mayor na unified na lamang ito sa National Capital Region (NCR).

Aniya, pag pinaikli ang curfew hours, makakahinga ang mga negosyo sa rehiyonat mabibigyan ng dagdag na oras ang mga malls at establisyemento para makapag-operate.

Mababatid na inirekumenda rin ng Metro Manila mayors ang isang “flexible” modified enhanced community quarantine classification sa NCR, ibig sabihin- mas maraming economic activities ang papayagan pero mananatili pa rin ang mas mahigpit na border control at health protocols.

Inaasahang iaanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang susunod na quarantine classifications para sa Mayo mamayang gabi. (VELLA GONZAGA)

Leave a Reply

Your email address will not be published.