Manila RTC, pinalaya na ang Tondo 3 activists matapos mag-post ng premium bail bond ng mahigit 200k

Naglabas kahapon ng release order ang ang Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 47 para kina Tondo 3 activists Reina Mae Nasino, Alma Moran at Ram Carlo Bautista matapos mag-post ng premium bail bond na ipinataw ng korte.

Ang surety bond, na nagkakahalaga ng P282,000, ay binayaran ng Karapatan-Kapatid human rights network sa surety firm.

Sinabi ng Karapatan-Kapatid na maaari lamang nilang bayaran ang mga surety bond, at sinabing imposible na mabayaran ang kabuuang halaga ng piyansa na P1.14 million bago ang December 25.

Nauna nang itinakda ni Judge Paulino Gallegos ng Manila RTC ang piyansa para kina Nasino at Moran sa halagang P420,000 bawat isa at Bautista sa P570,000.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *