Manny Pacquiao at Jinkee nakasamang kumain si Ji Chang-wook sa South Korea

Nakasamang kumain sa isang hapunan nina Manny Pacquiao at asawang si Jinkee ang Korean heartthrob na si Ji Chang-wook sa South Korea.

Ipinahayag ni Jinkee ang kanyang pananabik matapos kumain kasama ang aktor na makikita sa serye ng mga post sa Instagram. Gayunpaman, hindi niya ibinunyag kung kailan naganap ang pagkikita-kita.

Nag-repost din ang dating Sarangani vice governor ng Instagram Story na nagpapakita ng group selfie kasama sina Manny, aktres na si Arci Muñoz, at Chang-wook.

Nag-pose din ang Pambasang Kamao kasama ang South Korean actor, na nagsuot ng pares ng signed boxing gloves.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakipag-interact sina Manny at Jinkee sa Korean superstar. Dati nang nakipagkita ang mag-asawa kay Chang-wook noong Hunyo 2018 at Oktubre 2019.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *