Manny Pacquiao, hindi nandaya nang talunin si Hussein  noong 2000

Iginiit ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao na hindi siya nandaya nang talunin niya ang Australian fighter na si Nedal Hussein sa kanilang laban noong 2000.

Nagbigay ng reaksyon si Pacquiao sa mga alegasyon ng retiradong referee na si Carlos Padilla, na nangasiwa sa laban na iyon sa Antipolo at sinabi nitong kamakailan ay tinulungan niya ang kanyang kababayan na manalo sa pamamagitan ng “pagpapatagal” ng standard 10-count nang matumba si Pacquiao at naiwang tulala sa ikaapat na round.

Sa isang pahayag, sinabi rin ni Padilla na ini-utos niya ang pagbawas ng puntos kay Hussein para sa pagtulak kay Pacquiao sa floor.

Inamin niyang ang isa pang maling hakbang bilang opisyal nang ideklara niyang legal ang pag-headbutt ni Pacquiao kay Hussein.

Nang payagan ni Padilla ang ring doctor na suriin ang cut ni Hussein, natigil ang laban na nagbigay kay Pacquiao ng technical knockout victory.

Ang 88-anyos na si Padilla, isang dating aktor sa Pilipinas, ay sumikat nang magsilbi siyang referee sa sikat na “Thrilla in Manila” heavyweight fight nina Muhammad Ali at Joe Frazier na ginanap sa Araneta Coliseum noong 1975.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *