‘Manok na pula’, ninakaw bago pinulutan ng kapitbahay

Nagreklamo sa barangay ang isang binata matapos niyang malaman na pinulutan ang alagang ‘manok na pula’ sa Purok matapat sa Barangay San Jose, Puerto Princesa City.

Sa blotter ng barangay, ang nagreklamo ay si Jhon Peter, 33 anyos habang ang suspek ay kinilala sa pangalang David, 25 anyos na kapitbahay nito.

Napag-alaman na nitong na araw ng Linggo, March 5 ay habang umiinom di umano ang suspek ng alak ay inalok siya nito ng pulutang manok.

Nalaman ng may-ari na ang pinulutan ng suspek ay ang kanyang manok matapos na aminin ng suspek ang kasalanan nang sila’y magharap sa barangay.

Samantala, sa barangay ay nagkasundo ang dalawang panig na babayaran ang ninakaw na manok.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *