MAO Bulan, muling nagpaalala sa publiko kaugnay sa pagbabawal sa paghuli ng maliliit na  tamban o “lupoy”

Nakikipag-ugnayan na sa hanay ng Pulisya at mga fish brokers ang Municipal Agricultures Office (MAO) ng Bulan upang matiyak na walang lalabag sa pagbabawal sa paghuli o pagtitinda ng maliliit na isdang tambam o “lupoy.”

Kung babalikan taong 2017 pa ito ipinagbawal nang gawan ito ng ordinansa.

Sa panayam ng Brigada News Sorsogon kay Marieta Bayoca, head ng opisina, sinabi nito na kilala ang lupoy bilang dried fish, fries o fingerlings, na ang panghuhuli ay matagal nang ipinagbabawal sa bayan dahil maaari itong magdulot ng kakulangan ng suplay ng isdang tamban dahil hindi na ang mga ito nabibigyan ng pagkakataong lumaki.

Ang problema aniya ay hindi lamang ito usapin sa bayan ng Bulan, dahil may mga mangingisda sa ibang mga bayan gaya sa Magallanes na talamak ang panghuhuli ng lupoy kung kaya’t pinaka magiging aksyon umano rito ay ang koordinasyon sa lahat ng LGU na magkaroon ng pag -uusap at makiisa sa pagbabaawal ng paghuli sa maliliit na lupoy sa lahat ng municipal water sa buong lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *