MAOs ng Irosin at Sta Magdalena, puspusan ang ginagawang hakbang upang maideklarang ASF free

Puspusan ngayon ang ginagawang hakbang ng mga Municipal Agricultures Office (MAO) sa lalawigan ng Sorsogon na apektado ng African Swine Fever (ASF) partikular na ang mga bayan ng Sta. Magdalena at Irosin upang maagang madeklarang ASF free ang kanilang bayan.

Ayon kay Ma. Teresa Destura, head ng Office of the Provincial Agriculturist, sa kasalukuyan ay pinasusumite na nila ang nasabing mga  LGU ng mga kinakailangang dukumento upang ito’y masuri na at agad nang maaprubahan ng Department of Agriculture (DA) at madeklara na ligtas na ang mga ito sa banta ng nasabing virus. Katuwang ang Provincial Veterinary Office, patuloy ang ginagawang monitoring ng ahensya sa mga hog raisers sa lalawigan kung nasusunod ng mga ito ang mga guidelines upang hindi na mahawaan pa ng ASF ang kanilang mga alagang baboy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *