Maraming bilang ng job seekers sa online job fair, inaasahan ng DOLE R2

Umaasa ang DOLE Region 2 na makikipag-partisipasyon ang maraming bilang ng job seekers sa isasagawang online job fair bukas kaalinsabay ng Labor Day.


Ayon kay DOLE Region 2 Information Officer Chester Trinidad, bagaman hindi nagtakda ang DOLE ng bilang na pwedeng mag-apply umaasa itong marami ang makikiisa sa online job fair.


Mayroon din anyang national skills registration program kung saan titingnan nila ang mga job openings na maaring aplayan ng mga indibidwal na na-retrench sa trabaho.


Batay sa ibinahaging datos ni Info Officer Chester Trinidad sa 92.9 Brigada News FM Cauayan, tinatayang nasa 10, 600 na mga manggagawa ang naapektuhan ng temporary closure sa kanilang pinagtatrabahuan bunsod ng COVID-19 pandemic sa buong Cagayan Valley.


Bukod pa rito ang nasa mahigit 6,800 affected workers na nakasailalim sa flexible working arrangements.
Nakakabahala rin anya ang bilang ng mga establishimentong permanente nang nagsara na umabot na sa 14 kung saan apektado ang 53 workers.


Kaugnay nito ay hinikayat ni Info Officer Trinidad ang lahat ng interesado na maaring makipag-ugnayan lamang sa kanilang FB page kung may karagdagang katanungan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *