Marawi rehabilitation, 65% nang kompleto – task force

Inihayag ni Task Force Bangon Marawi chairperson Eduardo del Rosario na 65% nang tapos ang rehabilitasyon sa war-torn Marawi City.

Ito ay sa gitna ng target ng pamahalaan na matapos ang naturang proyekto, bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa June 2022.

Ang rehabilitation project ay inilunsad noong October 2018, kung saan mahigit P22 billion ang inilabas na ng gobyerno para sa reconstruction ng lungsod.

Matatandaan na nawasak ang buong lungsod ng Marawi, bunsod ng limang buwang sagupaan sa pagitan ng tropa ng gobyerno at ISIS-inspired Maute rebels noong 2017.

Mababatid na binisita ni Del Rosario, ang lungsod noong ika-apat na taong anibersaryo ng deadly siege, kung saan pinangunahan nito ang inagurasyon sa mga key facilities at groundbreaking ceremonies para sa konstruksyon ng school buildings, convention center, at ang Sarimanok Sports Stadium na dating battle area.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *