Marcial, magbabalik sa boxing ring laban sa isang Argentinian

Masisilayan muli sa boxing ring si Olympic bronze medalist Eumir Marcial sa Linggo sa laban kay Ricardo Ruben Villalba ng Argentina sa isang six-round middleweight bout sa Alamodome sa San Antonio, USA.

Ito ang ikaapat na professional fight ni Marcial na nanggaling sa isang unanimous decision win laban kay Steven Pichardo noong October 8.

Sakaling manalo skay Villalba, inaasahang makakakuha ng mabibigat na laban si Marcial para sa inaasam na world boxing crown.

Sa kanyang pro debut noong December 16, 2020 ay tinalo ni Marcial si Andrew Whitfield via unanimous decision bago itala ang isang knockout victory laban kay Isiah Hart noong April 9, 2022.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *