Marcial, wagi sa kanyang ikaapat na professional match laban sa isang Argentinian

Nanatiling walang talo si Eumir Marcial bilang isang professional boxer matapos ang impresibong panalo laban kay Ricardo Villalba ng Argentina n sa Alamodome sa San Antonio, Texas.

Si Marcial, na lumaban sa ilalim ng banner ng MP Promotions ni Manny Pacquiao, ay nagpabagsak kay Villalba ng dalawang beses patungo sa second round technical knockout victory.

Umunlad si Marcial sa kanyang 4-0 professional carreer kung saan ito na ang pinaka komprehensibong tagumpay sa kanyang yugto.

Samanatala, ito na ang ikaapat na sunod na pagkatalo para kay Villalba na bumagsak sa 20-8-1 sa kanyang professional career.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *