Marco Gumabao, ayaw aminin kung may relasyon sila ni Ivana Alawi

Hindi kinumpirma at hindi rin itinanggi ng aktor na si Marco Gumabao ang mga usap-usapan na meron silang matamis na pagtitinginan ng sexy actress na si Ivana Alawi.

Sa virtual media conference ng teleserye ng aktor ay nabanggit kay Marco ang tungkol sa trending video nito kung saan ay makikita na nakapatong ang kaniyang kamay sa hita ni Ivana habang sila ay nagvivideoke.

Natanong naman kay Marco kung si Ivana ang rason ng pagiging inspired nito.

Sagot niya, lagi naman daw siyang inspired.

Sumingit naman sa pagsasagot sa mga katanungnan ang co-star ni Gumabao na si Julia Barretto upang sabihin na aaminin naman ng aktor ito pagdating ng panahon.

Ipinunto ni Julia na maaring gulat at overwhelmed ang mga tao dahil si Marco ang tipo ng tao na pribado ang pamumuhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *