Marco Gumabao hindi kinumpirma o itinanggi ang rumored relationship kay Cristine Reyes

Hindi kinumpirma o itinanggi ng aktor na si Marco Gumabao ang mga tsismis sa pagitan nila ng aktres na si Cristine Reyes.

Sa press conference ng kanyang pelikula, sinabi ni Marco na nae-enjoy nila ang oras nilang dalawa.

Binigyan-diin din ni Marco na wala silang idine-deny ni Cristine sa pagkakamabutihan nila.

Sinabi ng aktor na nais lang daw nilang maging pribado ni Cristine sa ngayon.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *