Marcos admin, sinisikap na mapataas ang supply ng sibuyas para mapababa ang presyo nito

Sinisikap ngayon ng  administrasyong Marcos na mapataas ang suplay ng sibuyas para mapababa ang presyo nito.

Isa sa mga paraan dito, inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr,  na pinag-aaralan na ng gobyerno kung paano mailalagay ang mga smuggled na sibuyas sa merkado para mabawasan ang problema sa supply.

Tiniyak rin ng Pangulo na mahigpit na imomonitor ng Department of Trade and Industry o DTI ang presyo ng sibuyas para matiyak na sumusunod ang mga pamilihan sa inirekomendang presyo nito.

Matatandaang  ilang mambabatas ang nais na magpatawag ng inquiry tungkol sa tumataas na presyo ng mga lokal na sibuyas sa gitna ng pagbaha kamakailan ng mga imported varieties at ang naiulat na talamak na smuggling mula sa ibang mga bansa.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *