Ipinagmalaki ng administrasyon na natapos na ang ikatlong bahagi ng Decommissioning Process para sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Ayon kay Special Assistant to the President Anton Lagdameo – ang pagtatapos sa decommissioning ng mga combatants ang patunay lamang ng patuloy na hangarin ng Gobyerno na makamit na ang tunay na kapayapaan sa rehyon.
Sa ganitong pamaaraan umano ay masisiguro ang self-governing, progresibo, at mas epektibong Bangsamoro.
Tinitiyak din umano ng Administrasyon ang dedikasyon nito at suprota sa mga Normalizaiton Programs gaya na lang ng socioeconomic development, security, transitional justice and reconciliation, at mga confidence-building measures gaya na lang ng pagbibigay ng amnesty.
15 mga private armed groups naman sa rehyon, na-dismantle na
Idiniin naman ng Office of the Presidential Adviser on the Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) na committed ang administrasyong Marcos sa Bangsamoro peace agreement.
Sa Saturday News Forum, sinabi ni director Wendell Orbeso na positibo ang Gobyerno na matapos ang decommisisoning efforts ng mga MILF combatants bago matapos ang 2025.
Sa kabuoan, aabot na sa 1,301 soldiers ang natapos na sa decommissioning process, at aabot na irn sa 26,145 ang nagsipagtapos sa prosesong ito mula pa noong 2021.
Samantala, kinumprima rin ni Orbeso na aabot na sa 15 private armed groups ang nalansag na sa ilalim ng nagpapatuloy na peace process.
Mayroon itong halos 100 mga miyembro.
DSWD, namahagi ng socio-economic assistance sa mga dating MILF combatants
Inumpisahan na rin ng Deaprtment of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng ‘transitionary’ cash assistance sa mga ‘decommissioned combatants’ o ‘yung DCs.
Pinangunahan ni DSWD Sec. Rex Gatchalian ang pamamahagi ng cash aid sa Sultan Kudarat sa Maguindanao del Norte.
Ayon sa Kalihim, ito ay bahagi ng kanilang socio-economic development para sa mga dating MILF combatants para sa mabilis na pagkamit sa kapayapaan.
#