Marcos, bumuo ng inter-agency committtee na tututok sa inflation

Bumuo ng isang nter-agency committee si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na silang tututok at susubaybayan sa inflation at market outlook sa bansa.

Sa isang press briefing ng Palasyo, sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na ang Inter-agency Committee on Inflation and Market Outlook ay mag-uulat sa Pangulo sa buwanang batayan kung kailangan o hindi ng bansa na mag-angkat ng ilang mga bilihin depende sa kasalukuyang sitwasyon.

Ang inter-agency committee ay co-chair nina Diokno at National Economic and Development Authority Secretary Arsenio Balisacan.

Si Budget Secretary Amenah Pangandaman ang magiging vice chairman ng komite habang ang mga miyembro ay kinabibilangan ng Department of Agriculture, Department of Trade and Industry, Department of the Interior and Local Government, at Department of Science and Technology.

Ayon pa sa Finance chief, ang gobyerno ay gagawa din ng agriculture monitoring dashboard upang payagan ang Pangulo na subaybayan ang mga presyo, supply at demand ng mga pangunahing bilihin, at i-institutionalize ang sub-task group on economic intelligence na sila naman susubaybay sa mga bodega laban sa hoarding at profiteering.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *