Marcos, gusto raw ng ‘self-regenerating’ pension plans para sa MUPs

Naniniwala si Pangulong Bongbong Marcos na ang ginawang pag-amyenda sa fixed term ng mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ay makatutulong para maresolba na ang senioirity issues sa kanilang hanay.

Aniya, bagamat hindi naman nito nare-resolba ang lahat ng concerns ng mga AFP officials – makapagbibigay daan daw ito sa pantay-pantay na oportunidad para sa promotion nila.

Samantala, sa gitna naman ng nagpapatuloy na pagtalakay ng Kongreso sa pagre-porma sa pensyon ng mga military and uniformed personnel o MUPs – sinabi ng pangulo na nais nilang magkaroon ng ‘self-generating’ pension plans para sa ating mga kasundaluhan at mga kapulisan.

Ayon sa punong ehekutibo, iiwasan daw nilang ma-deplete ang pondo para sa mga pensyon kaya dapat ay maging self-sustaining na ito.

Sakali man na ituloy ang ginagawa nila sa ngayon – malaman aniya ay mauubos na ang pension funds sa loob ng lima hanggang sa anim na taon. //LGD edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *