Marcos, hihimukin ang Japan na tanggalin na o luwagan ang travel advisory

Hihimukin ng gobyerno ng Pilipinas ang kanilang Japanese counterpart na tanggalin na o luwagan ang travel advisories laban sa mga key travel destinations sa Pilipinas, upang muling mabuhay ang pandemic-hit tourism industry.

Sa kabila nito, hindi naman sinabi ng Department of Tourism kung aling mga destinasyon sa bansa ang may existing travel advisories mula sa Japanese government.

Sa kabilang naman nito, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na bukas at handa ang bansa na tumanggap ng mas maraming Japanese tourists.

Dagdag ni Marcos na noong pre-pandemic times, nag-ambag ang turismo ng 12.9% sa gross domestic product (GDP).

Nabatid na ang Japan ay ranked sixth mula sa top 10 countries na may most tourist arrivals sa Pilipinas noong nakaraang taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *