Marcos: Hindi na kailangang mag-import ng mga produkto sakaling malakas na ang MSMEs

Binigyang diin ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos na hindi na kailangan na umangkat ng mga produkto, sakaling maging malakas ang micro, small, and medium enterprises (MSMEs) para matugunan ang demands ng local market.

Mababatid na dumalaw si Marcos sa Brgy. Dulong Bayan Covered Court sa San Jose Del Monte, Bulacan para pangunahan ang unang Kadiwa Ng Pangulo (KNP) program doon.

Kaugnay nito, umaasa ang pangulo na sasamantalahin ng MSMEs ang pagkakataon na makipag-ugnayan sa gobyerno para makakuha ng mas malaking market sa pamamagitan ng mas magandang marketing strategies, isa na nga dito ay ang KNP.

Sa gitna nito, kampante naman ang punong ehekutibo na kaya ng MSMEs sa bansa na maabot ang demands ng market at makapagproduce ng mataas na kalidad na mga produkto. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *